Mga pasyente at empleyado ng UST Hospital, nasa maayos na kalagayan matapos ang nangyaring sunog

Inihayag ng pamunuan ng UST Hospital na nasa maaayos na kalagayan ang mga pasyente at kanilang empleyado matapos ang nangyaring sunog.

Nabatid na agad na inilikas sa mas ligtas na lugar ang hindi pa mabatid na bilang ng pasyente gayundin ang mga empleyado dahil sa kapal ng usok.

Ayon kay Fire Sr. Insp. Cesar Mabante, ang Station 5 Commander BFP Manila, nagsimula ang sunog sa Air Handling Unit Room sa 4th floor ng nasabing hospital ng alas-2:53 ng madaling araw.


Inabot ng unang alarma ang sunog na naapula ng alas-4:15 ng madaling araw dahil na rin sa mabilis na pagresponde ng nasa 10 truck ng bumbero.

Tinitingnan ng arson investigators ang posibleng short circuit sa AHU Room kung saan wala naman kwarto ng pasyente na direktang naapektuhan sa sunog.

Sa ngayon, inaalam na kung ligtas nang magamit muli ang buong 4th floor ng ospital lalo na’t hindi pa rin nawawala ang amoy ng usok.

Facebook Comments