Mga pasyente na galing sa Marawi walang babayaran sa pagpapahospital sa private man o public ayon sa DOH

ILIGAN CITY- Walang bayad ang lahat ng mga pasyente na galing sa Marawi. Ito ang pahayag ni Department of Health Secretary Dr. Pauly Jean Ubial sa harap ng mga IDPs sa lungsod ng Iligan. Ito umano ang ginagawang paraan ng DOH para makatulong sa lahat ng mga naging biktima ng kagulohan sa lungsod ng Marawi. Sinabi ni Dr. Ubial na kahit sa private o public hospital pa ng lanao del sur, lanao del norte, iligan city at Cagayan de oro city ay walang babayaran ang lahat ng pasyente na galing sa Marawi City. Dagdag pa ng kalihim na nais nilang mabigyan ng agarang gamot at maserbisyohan ng maayos ang lahat ng may mga karamdaman na mga IDPs at mapangalagaan ang kanilang kalusogan kayat minarapat nilang bigyan sila ng libreng medical services.(GHINER L. CABANDAY, RMN-DXIC ILIGAN)

Facebook Comments