Pabata na ng pabata ang namo-monitor na trend sa mga nagkakasakit sa puso batay sa monitoring ng Philippine Heart Association (PHA).
Sa health forum sa Quezon City, sinabi ni Dr. Nanette Rey, presidente ng Philippine Heart Association (PHA) na kung dati ay nasa edad singkwenta at sisenta ang nagkakasakit sa puso.
Lumalabas sa monitoring ng mga ospital na nasa 30-anyos na ang pinakabatang pasyente na inaatake nito.
Paliwanag ni Dr. Rey, ang nagbabagong lifestyle partikular sa mga klase ng kinakain ang pangunahing dahilan ng nagbabagong trend sa mga mayroong heart failure.
Dahil dito, pinalakas pa ng Philippine Heart Association ang training sa pagbibigay ng Cardiopulmonary resuscitation o CPR.
Mahalaga aniya na may isa sa miyembro ng pamilya ang may kakayahang mag CPR upang makapagbigay sa first aid sa pasyente bago ito maitakbo sa pinakamalapit na ospital.
Payo ni Dr. Nanette, maging balanse ang diet ng bawat Pilipino at ugaliing mag-ehersisyo upang mapalakas ang puso.