Patuloy na kumikilos ang Office of the Vice President (OVP) para matulungan ang mga Pilipino sa gitna ng pandemya bunsod ng COVID-19.
Nitong Lunes nilagdaan ni VP Leni Robredo ang kasunduan sa pagitan ng QualiMed Health Network para makapagbigay ng Molnupiravir sa mga pasyente ng Bayanihan E-konsulta ng OVP.
Ang Molnupiravir ay isang oral pill na nilikha para panggamot sa mild hanggang moderate cases ng COVID-19.
Ayon kay VP Robredo, lubos siyang nagpapasalamat dahil binigyan ng tiwala ang kanyang opisina.
Ang Bayanihan E- konsulta ay magagamit ng mga Pilipino para makapagpa-check up sa mga doktor online.
Ikinatuwa naman ng netizen ang magandang balita dahil habang abala ang ibang politiko sa bangayan, iba si VP Leni dahil patuloy siyang kumikilos para sa sambayanang Pilipino.