Mga pasyente sa hospital tents, dapat sakop din ng PhilHealth – Roque

35

Iginiit ng Malacañang na dapat sakop din ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga pasyenteng nasa hospital tents.

Ito ang pahayag ng Palasyo kasunod ng mga ulat na may ilang medical facilities ang naniningil ng ₱1,000/hour rate para sa mga pasyenteng nasa tents.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga sinisingil sa tents ay dapat sakop ng PhilHealth.

Paliwanag ni Roque, ang tents ay nagsisilbing temporary waiting facilities at binibigyan na ng treatment ang mga pasyente.

Pero lilinawin niya ang bagay na ito sa PhilHealth.

Facebook Comments