Mga pasyenteng gumaling sa COVID-19 sa San Juan City, umabot na sa mahigit 3,000

Ibinida ng pamunuan ng San Juan City Government na marami na ang gumagaling sa COVID-19 kung saan umakyat na sa 3,792 ang mga nakarekober, 106 naman ang nasawi, 4,046 kumpirmadong kaso ng COVID-19, 148 dito ang active, at 25 ang suspected.

Bagamat maraming gumagaling, nadagdagan naman ang mga nahahawaan ng COVID-19 kaya’t minarapat ng San Juan City Government na magpatupad ng bagong curfew hour mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng hapon.

Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Mayor Francis Zamora na nagpasa na siya ng Executive Order No. FMZ-072 series 2021 na ibalik ang City-wide curfew.


Paliwanag ng alkalde, ang sinumang lumabag sa curfew hour ay nahaharap sa criminal charges o RA 11332 at may kaakibat na parusang anim na buwan na pagkakakulong o mula sa pagitan ng P20,000 hanggang P50,000, o parehong multa at kulong.

Kabilang naman aniya sa exempted sa curfew hour ay kinabibilangan ng medical frontliners, police, military personnel, empleyado ng Local at National Government, public utility drivers, delivery service gaya ng food, medicine, at iba pa at individuals na nasa medical emergencies.

Facebook Comments