Mga pasyenteng makararanas ng sintomas ng mpox, pinayuhang pumunta agad sa malalaking ospital

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa dermatologists at iba pang mga doktor na i-record ang pangalan at contact information ng mga pasyenteng posibleng positibo sa mpox.

Ayon sa DOH, dapat ding payuhan ng mga ito ang mga pasyente na agad magpunta sa mga ospital upang matukoy kung mpox o hindi ang kanilang sakit.

Ngayong araw, kinumpirma ng DOH ang ika-11 at ika-12 kaso ng mpox sa bansa na pawang naitala rito sa Metro Manila.


Ang pang-11 kaso ay isang 37 years old na lalaki na nakaranas ng sintomas simula noong August 20.

Wala umanong exposure ang lalaki sa indibidwal na may sintomas pero aminadong nagkaroon ng intimate na contact 21 araw bago magsimulang lumabas ang sintomas.

In-admit ito sa government hospital noong August 22 at kasalukuyan pa ring nagpapagaling doon.

Ang mpox case 12 naman ay isang lalaki rin na nasa edad 32 na nakaranas ng sintomas noong August 14.

Aminado ang pasyente na nakipagtalik ito sa isang sexual partner.

Sa ngayon ay nagpapagaling na ang pasyente at kasalukuyang nasa home isolation.

Facebook Comments