Nanawagan ang isang infectious disease expert sa mga pasyenteng may mild symptoms ng COVID-19 na huwag nang magpadala sa ospital.
Sa halip, ayon kay San Lazaro Hospital infectious disease specialist Dr. Rontgene Solante, maaaring sa bahay na lamang sila i-isolate basta’t may kwarto kung saan maaaring bumukod ang pasyente.
Inihalimbawa niya rito ang mga pasyenteng may ubo at lagnat na maaaring gamutin sa bahay sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig at tamang gamot.
Pero kung nakararanas ng hirap sa paghinga, kinakailangan ang tulong ng doktor.
Sa datos ng Department of Health (DOH) kahapon, 98.7% ng 784,043 kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa ang asymptomatic o mild cases.
Tanging 0.5% ang severe, 0.5% ang critical at 0.30% ang moderate.
Facebook Comments