Mga pasyenteng nakarekober sa COVID-19 sa Parañaque City, halos nasa 500 na

Umaabot na sa 498 ang bilang ng mga pasyenteng nakakarekober sa COVID-19 sa lungsod ng Parañaque.

Sa tala ng Parañaque City Health Office (CHO) at City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), mas mataas ang porsyento nito kumpara sa bilang ng mga nasawi na nasa 49.

Nasa 782 naman ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong lungsod kung saan 235 dito ang active cases.


Pinakamataas na bilang ng kumpirmadong kaso sa bawat barangay sa lungsod ay sa San Dionisio na nasa 119, 88 sa Baclaran at 83 sa Brgy. San Antonio.

Muling paalala ng lokal na pamahalaan ng Parañaque na sundin ang payo ng gobyerno sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at manatili lamang sa kani-kanilang tahanan kung walang importanteng gagawin sa labas at sundin ang guidelines na ipinatutupad ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkahawa at pagka-expose sa COVID-19.

Facebook Comments