Limang araw na mas maagang gumagaling mula sa mga sintomas ng COVID-19 ang mga pasyenteng uniinom ng Virgin Coconut Oil (VCO).
Ito ay base sa resulta ng community trial na isinagawa ng Department of Science and Technology (DOST) sa isang ospital sa Sta. Rosa, Laguna.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato de la Peña, patunay ito na may anti-viral effect ang VCO.
Ikinatuwa naman ng DOST ang pakikibahagi ng mas maraming lugar sa kaparehong trial gaya ng Valenzuela at Muntinlupa na makakatulong para makakuha sila ng mas maraming datos na magpapatunay sa bisa ng VCO.
Sinusubukan na rin ang bisa ng VCO sa Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila para sa mga pasyenteng may moderate at severe COVID-19 case.
Una nang nakitaan ng ‘promising result’ ang clinical trial sa lagundi na mabilis makaalis ng sintomas ng COVID-19.