Umakyat na sa 215 ang bilang ng mga pasyente na under investigation ng Department of Health dahil sa posibleng kaso ng 2019 Novel Coronavirus.
Ayon kay DOH Usec. Eric Domingo, sa nasabing bilang ay 184 ang naka-admit at naka-isolate, 17 ang nadischarged na habang 2 ang namatay dahil sa Pneumonia.
Mayroon ding 9 na ayaw magpa-admit sa ospital kaya naman ang DOH ay nakikipag-ugnayan na sa DILG at PNP.
Para naman sa mga dayuhan na nasa kategorya ng PUI ay nakikipag-ugnayan na sila sa DFA.
Sa mga PUI na ito, 57 ang negative sa nCoV habang ang test sa may 155 ay hinihintay pa umano ang resulta ng pagsusuri ng RITM.
Sa ngayon nananatili paring 3 ang bilang ng naitalang nCoV case sa bansa ayon sa DOH.
Facebook Comments