Mga patakaran na ipinatutupad ng mga LGU, pinababawi ni PRRD

Pinababawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng Local Government Units (LGUs) ang kanilang ipinapatupad na ordinansa na salungat sa direktiba ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng Office of the President.

Ayon kay Cabinet Sec. Karlo Nograles, malinaw ang ipinupunto ng Pangulong Duterte na sumunod sa mga direktiba para hindi magdulot ng kalituhan sa publiko.

Sabi ni Nograles, na inatasan na ng Pangulong Duterte ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Justice (DOJ) na i-monitor ang mga LGU na hindi sumusunod ng IATF.


Aniya, mahaharap sa kaparusahan ang mga opisyal na hindi tatalima.

Naniniwala naman si Interior Secretary Eduardo Año na posibleng nagkaroon lang ng      hindi pagkakaintindihan sa mga ipinapatupad na guidelines ng IATF kaugnay ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa Luzon.

Ayon kay Año, posible itong ang nagiging dahilan kaya nagkakaroon ng delay sa pagpasok ng mga suplay sa Metro Manila.

Facebook Comments