Ito ang nilinaw ng Provincial Veterinary Office o PVET Cagayan sa pamamagitan ni Dr. Myka Ponce, Veterinarian II ng PVET.
Sa ibinahaging impormasyon ng Cagayan Provincial Information Office (CPIO), walang nakitang sinyales na may ASF ang mga itinapong patay na baboy na aabot sa 18 piraso.
Ayon kay Dr. Ponce, matapos ang pakikipag-ugnayan ng PVET sa LGU ng Gattaran at barangay ay agad na inilibing ang mga baboy.
Nagbigay na rin ng disinfectant ang PVET sa lugar na pinagtapunan ng mga baboy ganuin din sa mga karatig na barangay.
Nilinaw ni Dr. Ponce na walang hog raisers sa Gattaran na may maraming inaalagaang baboy at wala ring kaso ng ASF.
May posibilidad umano na galing sa ibang lugar ang mga patay na baboy.
Kaugnay nito, tuluy-tuloy pa rin ang monitoring ng PVET sa buong lalawigan kaugnay sa usapin ng ASF.
Magugunita na inalis na ang bisa ng total ban ng pagpasok sa Cagayan ng live hogs, fresh, frozen pork at processed products sa bisa ng Executive Order No. 06 ni Governor Manuel N. Mamba.
TAGS;PVET,ASF, CAGAYAN,HOGS
📷Albert Bunagan via CPIO