Tatlong araw bago ang Pasko, nagsimula nang dumagsa sa mga terminal ang mga biyaherong uuwi sa kani-kanilang mga probinsya.
Ayon kay PITX Corporate Affairs Head Jason Salvador, tumaas ang bilang ng mga pasahero ngayon kumpara noong bago mag-pandemya.
Aniya, nitong Lunes ay umabot sa halos 100,000 ang mga pasahero.
Bagama’t mas marami ang mga pasahero, tiniyak ni Salvador na nasusunod pa rin ang 70-percent capacity na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Samantala, dagsa na rin ang mga taong magsisiuwian sa kanilang mga probinsiya sa Araneta bus terminal sa Cubao.
Nagpapatupad pa rin ng “no face mask, no ride” ang pamunuan ng terminal.
Nagpaalala naman ang pamunuan ng terminal na dapat fully vaccinated at may negative antigen test o RT-PCR test ang biyahero bago makakuha ng ticket.