Mga PDL na gumagaling sa COVID-19, dumarami pa ayon sa DILG

58

Dumarami pa ang bilang ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ang nakakarekober mula sa COVID-19.


Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, mula sa 783 na confirmed cases, 549 PDLs na ang gumaling, habang 90 sa 135 cases sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) personnel ang nakarekober na rin.

Sa kabila ng limitadong budget at personnel, nakapagtayo ng COVID-19 Isolation Centers sa mga rehiyon ang BJMP at gumagamit ng Telemedicine na isang medical consultation program.

Kabilang dito ang Ligtas COVID Centers sa Quezon City, San Fernando City, Cebu City, Mandaue City, Pagbilao sa Quezon province, at Zamboanga City.

Facebook Comments