Isinagawa ang sabayang pagbabakuna laban sa influenza sa Dagupan City Jail-Female Dormitory, kung saan 76 na Persons Deprived of Liberty (PDL) ang tumanggap ng flu vaccine.
Pinangunahan ito ni JINSP LILIA E. VENTURA, Acting City Jail Warden, na isinagawa ng mga medical staff mula sa Region 1 Medical Center.
Maliban sa mga PDL, tumanggap rin ng bakuna ang 31 ng kawani ng ahensya.
Layunin ng aktibidad na maiwasan ang influenza at mapalakas ang immune system ng mga PDL at tauhan ng piitan, lalo na sa panahon ng pagdami ng mga sakit sa paghinga.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagsusumikap na mapabuti ang kalusugan sa loob ng mga bilangguan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments