Sinanay sa graphic design ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa BJMP San Carlos sa pamamagitan ng isang tatlong-araw na training na layuning bigyan sila ng bagong kasanayan na magagamit sa kanilang muling pagharap sa komunidad.
Katuwang sa pagsasagawa ng programa ang City Library at Department of Information and Communications Technology (DICT) Dagupan.
Tinalakay sa training ang mga pangunahing konsepto ng graphic design, paggamit ng digital tools, at mga praktikal na kaalaman sa pagbuo ng iba’t ibang uri ng disenyo.
Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ito ng patuloy na adbokasiya na itaguyod ang edukasyon, produktibong pagbabagong-buhay, at rehabilitasyon para sa mga PDL.
Patuloy rin ang suporta sa mga programang nagbibigay ng bagong pag-asa at nagbubukas ng oportunidad para sa mas maayos na kinabukasan ng mga PDL sa San Carlos City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









