Mga PDL’s ng Roxas na Inilipat sa BJMP Ilagan City, Nakaboto na!

Nakaboto na pasado alas nuebe kaninang umaga ang tatlumput apat na Person’s Deprived of Liberty (PDL’s) ng BJMP Roxas na inilipat sa BJMP Ilagan City, Isabela.

Sa naging panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay Jail Senior Inspector Elino G. De Leon, mula sa kabuuang 46 na PDL’s ng BJMP Ilagan, 34 rito ang nagmula sa BJMP Roxas dahil inaayos pa ang kanilang bilangguan.

Inihayag rin ni Jail Senior Inspector De Leon na may 12 PDL’s na botante ang tumangging bumoto dahil hindi na umano naniniwala ang mga ito sa eleksyon.


Kaugnay nito, nanawagan naman sa mga mananalong senador ang isang PDL na kinilalang si Rodolfo Bayani na tuparin ang kanilang mga ipinangako.

Facebook Comments