𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗗𝗟𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗞𝗔𝗟

Benepisyaryo ng libreng serbisyong medikal ang mga Persons Deprived of Liberty o PDLs na nasa sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) – Female Dormitory sa Dagupan City sa pangunguna ng tanggapan ni 4th District Representative Cong. De Venecia.
Saklaw ng nasabing serbisyo ay ang libreng konsulta, pamamahagi ng mga gamot at medisina maging ang libreng eyeglasses, at dental service.
Kasama rin sa napamahagian ng serbisyong medikal ang mga kaanak at kapamilya na bumisita sa piitan, maging ang mga BJMP personnels.

Samantala, isa ang pagtataguyod ng kapakanang pangkalusugan sa pamamagitan ng mga umaarangkadang health services sa prayoridad ng kongresista para sa mga Pangasinense lalo na sa ilalim ng ikaapat na distrito ng Pangasinan o mga Pangasinense na mula sa bayan ng Mangaldan, Manaoag, San Jacinto, San Fabian at Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments