Daan daang mga pekeng Amelioration form ang natuklasan na ibinebenta ng isang miyembro sindikato sa Barangay Baclaran, Parañaque.
Ayon kay Jun Zaide, Barangay Chairman sa Baclaran, ang naturang mga form ay ibenebenta sa halagang P10 hanggang P50 piso .
Hawak na ng mga opisyal ng barangay ang form at patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang mga kasapi ng sindikato.
Ayon kay Zaide, nagdagdag na rin sila ng CCTV cameras sa Barangay Baclaran para madaling matukoy ang mga nasa likod ng sindikato.
Ang amelioration form ay ipinamamahagi ng DSWD para sa mga mamamayan na mabibigyan ng tulong-pinansyal ng gobyerno sa mga apektado ng Luzon lockdown kaugnay ng COVID-19 threat.
Facebook Comments