Mga pekeng anti-rabies vaccine, posibleng nagkalat pa rin sa merkado

Manila, Philippines – Aminado ang Department of Health (DOH) na may posibilidad na may mga nakakalat pang pekeng anti-rabies vaccine sa merkado.

Ayon kay DOH Undersecretary Enrico Domingo, inatasan na ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga ospital at mga animal bite center na i-double check ang kanilang supplies.

Payo naman ni Domingo sa mga may dudang nabakunahan ng pekeng anti-rabies vaccine, bumalik sa ospital o clinic kung saan sila naturukan.


Aniya, mayroong dapat record na matutunton kung totoo ang naturok na vaccine.

Kasabay nito, bumuo na ang The Medical City ng task force para tawagan ang aabot sa 2,000 nabakunahan nila ng pekeng anti-rabies vaccine.

Facebook Comments