Mga pekeng items ng mga kilalang brand, nakumpiska ng BOC

83

Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang pekeng items ng iba’t ibang kilalang brand sa isinagawang operasyon sa Magallanes, Makati City.

Base sa ulat ng BOC, ang mga nasamsam na mga item ay nagkakahalaga ng isang bilyong piso.

Katuwang ng BOC sa katatapos na Anti-Counterfeit Operation ang Armed Forces of the Philippines (AFP).


Kabilang sa mga nasamsam ay ang mga pinekeng Lacoste, Michael Kors, Macbeth, Adidas, Chanel, Givenchy, Oxygen, Guess, Coach, Gucci, Wrangler, Fubu, Zara, Reebok, Levi’s, Tommy Hilfiger, Jag, Tribal, Bench, Calvin Klein at Esprit.

Masusing inaalam na rin ang posibleng pananagutan ng may-ari alinsunod sa itinatakda ng Customs Modernization and Tariff Act at RA 8293, na mas kilala bilang Intellectual Property Code of the Philippines.

Facebook Comments