Mga pekeng korporasyon na nagawaran ng visa sa bansa, paiimbestigahan ng DOJ

Nais ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na magkasa ng masusing imbestigasyon ang Bureau of Immigration (BI) laban sa mga pekeng korporasyon na nagawaran ng visa sa bansa.

Ayon kay Remulla, libu-libong mga visa ang naipalabas para sa mga pekeng aplikante na pinayagan ng Immigration.

Aniya, marami sa nabigyan ng Pre-arranged Employment Visa ay nagagamit sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).


Sinabi pa ng kalihim, noong nakaraang taon pa niya natanggap ang ulat hinggil dito kaya’t nais niya na maimbestigahan ng BI ang mga naprosesong visa sa nakalipas na limang taon.

Kinausap na rin ni Remulla si BI Commissioner Norman Tansingco para gawing paryoridad ang imbestigasyon at sa lalong madaling panahon ay makapagbibigay agad sila ng full report hinggil sa nasabing isyu

Facebook Comments