Mga pekeng nagnonotaryo, inaresto ng CIDG

Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang apat na indibidwal na sangkot sa pamemeke ng serbisyo ng notaryo sa Mac Arthur Highway, Brgy. Sto Domingo, Angeles City, Pampanga.

Kinilala ni CIDG Director Police MGen. Romeo Caramat ang mga suspek na sina Emeraldo Salenga Rosete, Rachel Ann Bognot Julian, Fatima Calumba at Lourdes Dizon Reyes.

Ang mga suspek ay nabatid na nagtatrabaho sa insurance services, kung saan si Rosete ay nagpapanggap bilang isang Atty. Jaime Manaclang.


Narekober sa mga ito ang mga pekeng notarial seal at stamp, stamp pad, mga notarized na dokumento, laptop, makinilya at iba pa.

Ayon kay Caramat, ikinasa ang operasyon laban sa mga suspek base narin sa impormasyon mula sa IBP-Pampanga Chapter at IBP Central Luzon na talamak ang pekeng notary services sa Angeles City, Pampanga partikular na sa Brgy. Sto Domingo.

Facebook Comments