Mga pekeng produkto, nakumpiska ng Customs sa isang bodega sa Binondo, Maynila

Aabot sa halos 70 milyung pisong halaga ng mga pekeng produkto ang nakumpiska sa isang bodega sa binondo maynila.

Ito ay base sa isinagawang operasyon ng ponagsamang pwersa ng Bureau of Customs (BOC) –Intelligence Group (IG)-Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), kung saan kabilang ang Intellectual Property Rights Division (IPRD), at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force NCRb-CL.

Bitbit ang isang letter of authority na pirmado ni Bureau of Customs Comm. Rey Guerrero, hinalughog ng mga awtoridad ang naturang bodega kung saan nakita ang mga hinihinalang pekeng mga produkto.


Ilan sa mga ito ay ang mga brands gaya ng Silka, Likas Papaya, Spiderman, Hello Kitty, Coach, Long Champ, Cath Kidston, Anelo, Louis Vuitton, lacoste at iba pa.

Ipinadala naman ng ng mga otoridad sa mga kanya-kanyang brand representatives ang sample ng mga naturang items para maberipika ang authenticity nito.

Posible namang maharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10863, o Customs Modernization and Tariff Act ang hindi pa pinapangalanang may ari ng naturang pekeng mga gamit.

Facebook Comments