Mga pekeng shampoo, deodorant at iba, nasabat ng CIDG

Aabot sa P2.1-M halaga ng iba’t ibang klase ng mga pekeng Unilever products ang nakumpiska ng operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit sa Brgy. Potrero, Malabon City.

Ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng reklamo ang mga awtoridad mula sa abogado at kinatawan ng nasabing kumpanya na isa umanong Jake Michael Bautista ang sangkot sa pamemeke, paggawa at pagbebenta ng kanilang mga produkto.

Sa ulat na nakarating kay CIDG Director PBGen. Romeo Caramat, 334 na malalaking kahon na naglalaman ng shampoo, deodorant, Zeam coat powder at iba pa ang kanilang nakumpiska.


Sa ngayon hawak na ng CIDG ang mga produkto para sa tamang dokumentasyon at disposisyon gayundin ang suspek na si Bautista na nahaharap sa patong-patong na kaso tulad ng paglabag sa Food and Drug Administration (FDA) Act of 2009 at intellectual property rights.

Facebook Comments