Iginiit ni House Deputy Minority Leader at Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas na sa halip pagdiskitahan ang pagbabawal sa K-drama ay mas dapat ipagbawal ang mga pelikula na nagpapakita ng karahasan sa mga kababaihan.
Pahayag ito ni Brosas bilang pagkontra sa mungkahi ni Senator Jinggoy Estrada na i-ban ang mga K-drama at suportahan ang mga pelikula at teleserye ng gawang Pinoy.
Giit pa ni Brosas, makakatulong kung paghuhusayin ang paggawa ng pelikulang Pilipino at teleserye at babaguhin ang paulit-ulit na tema na talamak ang paglabag sa mga kababaihan sa pamamagitan ng mga eksena ng “physical abuse” at rape.
Kaugnay nito ay plano ng Gabriela na magsumite ng panukalang batas na layuning mahinto ang paggamit at kawalan ng respeto sa mga kababaihan sa local entertainment industry gaya ng mga pelikula, teleserye at advertisements.