Mga pelikulang nagwagi sa 46th Metro Manila Film Festival, alamin!

Hakot awards ang pelikulang Fan Girl sa ginanap na 46th Metro Manila Film Festival kagabi kung saan naganap ito sa pamamagitan ng video streaming sa Facebook.

Ilan sa mga ito ay ang Best Picture, Best Director, Best Actress, Best Actor, at Best Screenplay.

Maliban sa five major awards, nakamit din ng Fan Girl ang apat pang parangal para sa Best Cinematography, Best Editing, Best Sound, at 3rd place bilang Best Virtual Float.


Maliban sa pelikulang Fan Girl, ilan din sa mga palabas na nagkamit ng pagkilala ay ang; Tagpuan, The Boy Foretold By The Stars, Isang pang Bahaghari, The Missing at iba pa.

Facebook Comments