Mga Perang Donasyon, Ninakaw sa Loob ng Simbahan!

536

Cauayan City, Isabela- Hindi pinalampas ng mga kawatan na nakawin ang donasyon na pera sa loob mismo ng simbahan sa Saint James the Apostle Parish sa Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, bumulaga kinaumagahan sa catetaker ng nasabing simbahan ang nakabukas na kuwadro kung saan nakasilid ang replika ni Poong Nazareno at dito inilalagay ng mga debotong katoliko ang kanilang donasyon na pera.


Ayon sa caretaker, hindi umano nila ito ginagalaw maliban na lamang kung papalitan ang damit ng Poong Nazareno.

Nabatid na isang taon nang hindi binubuksan ng simbahan ang ninakaw na kahon na pinaglalagyan ng donasyon para sa simbahan.

Napag-alaman din na hindi lamang ito ang unang pagkakataon na ninakawan ng kawatan ang naturang simbahan.

Iniimbestigahan naman ng pulisya ang nangyaring insidente.

Facebook Comments

From Advertisers