![](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2021/10/MRT-3-SUNOG.jpg?resize=696%2C392&ssl=1)
Maaari nang kuhanin ng mga pasahero ang mga naiwan nilang mga gamit dulot ng komosyong nilikha ng sunog na sumiklab sa isa sa mga bagon ng MRT-3 noong Sabado ng gabi.
Inaabisuhan ng pamunuan ng MRT-3 ang mga pasaherong nakaiwan ng kanilang mga personal na gamit na maaari nang makuha ang mga ito sa Guadalupe Station.
Magdala lamang ng anumang valid ID sa pag-claim ng mga naiwang gamit.
Maaari ding makipag-ugnayan kina Leo Concon at Mel de las Alas sa numerong 929 5347 loc. 3090.
Facebook Comments