Mga personal na gamit na naiwan ng mga pasahero sa kasagsagan ng sunog sa isa sa mga bagon ng MRT-3, maaari nang i-claim sa Guadalupe Station

Maaari nang kuhanin ng mga pasahero ang mga naiwan nilang mga gamit dulot ng komosyong nilikha ng sunog na sumiklab sa isa sa mga bagon ng MRT-3 noong Sabado ng gabi.

Inaabisuhan ng pamunuan ng MRT-3 ang mga pasaherong nakaiwan ng kanilang mga personal na gamit na maaari nang makuha ang mga ito sa Guadalupe Station.

Magdala lamang ng anumang valid ID sa pag-claim ng mga naiwang gamit.


Maaari ding makipag-ugnayan kina Leo Concon at Mel de las Alas sa numerong 929 5347 loc. 3090.

Facebook Comments