Mga personalidad na ilalagay sa lookout bulletin order dahil sa maanomalyang palpak na flood control projects, asahang madaragdagan pa —Sec. Dizon

Tiniyak ni Department of Public Works and Highways o DPWH Sec. Vince Dizon na madaragdagan pa ang mga personalidad na ilalagay sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) dahil sa pagkakasangkot sa maanomalyang flood control projects.

Sa turnover ceremony ng bagong Department of Transportation Sec. Giovanni Lopez dito sa San Juan City, sinabi ni Dizon na pormal niyang hihilingin sa Department of Justice o DOJ na ilagay sa lookout bulletin ang 25 indibidwal na sinasabing may kaugnayan sa mga palpak na flood control projects ng pamahalaan.

Naglalaman ng listahan ng mga pangalan ng mga opisyal, engineer, at mga pribadong indibidwal mga presidente, general managers, proprietors, at authorized managing officers ng mga construction companies.

Kasama rin dito ang kontrobersiyal na mag-asawang contractor na sina Sarah at Curlee Discaya.

Nilinaw naman ng kalihim na ang ILBO ay hindi pa isang hold departure order pero isang babala sa Bureau of Immigration para i-monitor ang mga indibidwal na posibleng lumabas ng bansa habang iniimbestigahan.

Facebook Comments