Sa likod ng rehas, may angking galing na pwedeng maipamalas! Bagamat nasa piitan, hindi pa rin nawawala ang tiwala sa sarili at patuloy na nagbabahagi ng kahusayan.
Yan ang naging tagpo sa naganap na Nutrition Month 2025 Cookfest ng mga Person Deprived of Liberty sa Bureau of Jail Management and Penology, Dagupan City Male Dormitory.
Suot ang kanilang mga apron, nagpagalingan sa pagluluto ang ilang piling PDL para sa naturang cookfest na tampok ang iba’t ibang luto ng gulay na siyang nagbibigay sustansya sa katawan.
Mula sa Brocolli, Kalabasa, Okra, Talong, hanggang sa ampalaya, at marami pang iba, napuno ng masarap na amoy ang Multi-Purpose Hall ng BJMP.
Nakiisa rito bilang mga hurado sina City Jail Warden JCINSP Lito S Lam-Osen, JCINSP John Elicid M Saturno, kabilang na rin ang mga Roving Medical Doctors, at mga kinatawan ng Technical Education and Skills Development Authority.
Ito ay hakbang ng naturang institusyon upang isulong ang tamang nutrisyon alinsunod narin na National Nutrition Month ngayong buwan ng Hulyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









