Mga persons of interest sa pagkamatay ni John Matthew Salilig, dumating na sa DOJ

Isinailalim na sa inquest proceedings ang anim na mga persons of interest na responsable sa pagkamatay ni John Matthew Salilig na estudyante ng Adamson University sa Department of Justice (DOJ).

Pasado alas-10:00 ng umaga nang dumating sa DOJ ang dalawa habang pasado alas-11:00 naman ang apat na iba pa.

Matatandaan na ang anim na person of interest ay naaresto ng Biñan Police kung saan tatlo sa kanila ay estudyante ng Adamson University habang tatlo ay mga miyembro ng fraternity sa Biñan Chapter.


Positibo silang kinilala ng nakasama ni Salilig sa hazing na si Roi dela Cruz.

Nabatid na bukod kay Dela Cruz isa pang testigo ang lumutang para idetalye ang ginawang paglibing kay Salilig.

Sa naging pahayag ng isa pang saksi, nataranta ang kaniyang mga ka-brod kaya’t hindi na naisugod pa sa ospital si Salilig kaya’t napagdesisyunan na lamang na ibaon na lamang ito sa Imus, Cavite.

Bukod sa anim na persons of interest na hawak ng mga awtoridad, walong iba pa na nasalikod ng pagkamatay ni Salilig ang pinaghahanap ng mga pulis.

Facebook Comments