MGA PESTENG LANGAW SA BRGY. MANAOAG, UNTI-UNTI NG NAWAWALA

CAUAYAN CITY- Bahagyang nakahinga ng maluwag ang mga opisyal ng Brgy. Manaoag matapos mapansin ang unti-unting pagkawala ng mga pesteng langaw sa kanilang lugar.

Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Sonny Nonan, kung ikukumpara ang sitwasyon ngayon sa mga nakaraang araw ay nabawasan ang dami ng langaw sa kanyang nasasakupan.

Aniya, tatlong beses sa isang taon na nararanasan nila ang ganitong klase ng problema kung saan isa ang kanilang barangay sa pinaka-apektado nito.


Dagdag pa niya, nagpapasalamat ito sa pamunuan ng inirereklamong poultry farm sa agarang pagtugon nito sa kanilang hinaing ngunit gayunpaman ay umaasa ito na sa mga susunod na buwan ay hindi na muling maulit ang ganitong klase ng problema.

Facebook Comments