MGA PET OWNERS SA BRGY. PALARIS, ASINGAN, AKTIBONG NAKILAHOK SA ANTI-RABIES VACCINATION

Ipinakita ng mga residente ng Barangay Palaris, Asingan ang aktibong pakikiisa sa adbokasiya laban sa rabies matapos dalhin ng mga pet owner ang kanilang mga aso at pusa sa isinagawang libreng mass vaccination ng Municipal Agricultural Office (MAO).

Ito ang kauna-unahang anti-rabies activity ng bayan para sa taong 2026.

Abot sa 140 alagang hayop ang nabakunahan sa nasabing aktibidad na pinondohan ng pamahalaang bayan, dahilan upang maging libre ang serbisyong beterinaryo para sa mga residente.

Binigyang-diin ng MAO na layunin ng bakunahan na maprotektahan hindi lamang ang mga alagang hayop kundi pati ang buong komunidad laban sa rabies na isang nakamamatay na sakit na maaaring mailipat mula hayop patungo sa tao.

Ayon din sa tanggapan, wala pang naitatalang kaso ng rabies sa bayan ngayong taon.

Facebook Comments