Tuluyan nang binasura ng Korte Suprema ang mga petisyon na humihiling na ibasura ang Anti-Terrorism Act of 2020.
Sa En Banc deliberation ngayon sa Baguio City ng mga mahistrado ng Supreme Court, binasura ang inihaing motions for reconsideration ng mga petitioner.
Ibinase ng Supreme Court En Banc ang desisyon sa anila’y kakulangan ng substantial issues at argumento na inilahad ng petitioners.
December 7, 2021 nang unang magpalabas ng desisyon ang Kataas-taasang Hukuman na nagbabasura sa mga petisyon ng ilang mga mambabatas, militanteng grupo at ilang non-government organizations.
Facebook Comments