Mga petisyon laban sa Anti-Terrorism Bill, siguradong hindi magtatagumpay

Tiwala si Senate President Vicente Tito Sotto III na hindi mai-intimidate o masisindak ang Korte Suprema sa dumaraming petisyon laban sa Anti-Terrorism Law.

Diin ni SP Sotto, na isa sa pangunahing may akda ng Anti-Terrorism Law, hindi ang paramihan ng petisyon ang labanan sa Supreme Court kundi ang nilalaman ng mga petisyon.

Ilang beses naman nang sinabi ni Senator Panfilo Ping Lacson, na naging maingat sila sa pagbalangkas ng batas at tiniyak na umaayon ito sa itinatakda ng konstitusyon.


Inaasahan naman ni Senator Ronald Bato dela Rosa na aakyat sa Kataas-taasang hukuman ang mga kumokontra sa Anti-Terrorism Law.

Tiwala si dela Rosa na malulusutan ng Anti-Terror Law ang lahat ng mga petisyon dahil ito ay kanilang binusising mabuti.

Ang mga argumento laban dito ay bunga lang aniya ng takot at pangamba at mga ikinakalat na maling mga impormasyon.

Facebook Comments