Posibleng pag-isahin o i-consolidate ng Korte Suprema ang mga petisyong inihain laban sa kontrobersyal na confidential funds.
Ayon kay Chief Justice Alexander Gesmundo, kailangang pag-aralan ang pag-consolidate ng mga petisyon dahil magkakaiba ang kanilang nilalaman na apela kaugnay ng confidential funds.
Sa ngayon, tatlong petisyon na ang naihain sa Supreme Court (SC) laban sa confidential funds at may ilang petitioners at respondents pa rin ang hindi naghahain ng komento kaugnay ng mga petisyon laban sa paggamit at mismong confidential funds.
Sakaling maa-consolidate, pare-parehong haharap sa Korte Suprema ang petitioners kasama ang respondents, kabilang si Vice President Sara Duterte, kapag nagpatawag na ng schedule ng pagdinig ang en banc.