Kinumpirma ng Korte Suprema na umaabot na ngayon sa walo ang mga petisyon na inihain sa Supreme Court kontra Republic Act 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020.
Ito ay matapos na madagdagan ng panibagong apat na petisyon partikular ang mga sumusunod:
1. GR No 252613, Jurado vs. The Anti-Terrorism Council, et al.
2. GR No 252623, Center for Trade Union and Human Rights, et al. vs. Hon. Rodrigo Duterte, et al.
3. GR No 252624, Christian S. Monsod, et al. vs. Executive Secretary Salvador C. Medialdea, et al.
4. GR No. 252647, Sanlakas vs. Rodrigo R. Duterte.
Kinumpirma naman ng Korte Suprema na ang walong petisyon ay pinagsama na lamang nila.
Facebook Comments