Kinumpirma ni Justice Undersecretary Adrian Ferdinand Sugay na tambak ngayon ang mga petition for reveiw at motion for reconsideration na kanilang nireresolba sa DOJ.
Ayon kay Usec Sugay, nasa 12,000 hanggang 14,000 ang pending ngayon na petitions for review at motion for reconsideration.
Aniya, posibleng lalo pa itong lumobo dahil sa patuloy na pagdating o paghahain ng mga apela ngayon sa mga reklamong naresolba na ang DOJ.
Sinabi pa ni Sugay na Karamihan sa mga nakapending na petition for review at MR sa DOJ ay inabutan na nila nang magtake over sila mula sa panumuno ni dating Justice Sec Vitaliano Aguirre.
Tiniyak naman ni Usec. Sugay na ginagawan na nila ito ng paraan para makamit ang zero backlog.
Facebook Comments