Mga pharmacist na nagsasagawa ng pagbabakuna laban sa COVID-19, dapat bigyan ng insentibo

Pinabibigyan ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ng insentibo ang mga pharmacist na tumutulong sa pagbabakuna laban sa COVID-19.

Sinabi ito ni Go sa gitna ng pag-arangkada ng ‘Resbakuna sa Botika’ program nationwide na magkatuwang na inisyatibo ng gobyerno at pribadong sektor para mapag-ibayo ang immunization program ng bansa at matugunan ang kakulangan ng mga vaccinator.

Sabi ni Go, ang pagbibigay ng insentibo sa mga nagbabakunang pharmacists ay makakaengganyo sa mga pribadong pharmacies sa pinakamalalayong lugar dito sa Pilipinas na lumahok sa COVID-19 vaccination campaign.


Nakita ni Go na ang mga tao ay nagtutungo rin sa mga botika para magpabakuna.

Ilang beses ng binigyang-diin ni Go na mahalagang mapataas ang bilang ng mga mababakunahan upang mapigilan ang malubhang COVID-19 at hndi bumagsak ang ating healthcare system.

Facebook Comments