Unti-unti nang nagsisidatingan ang Philsys ID o mas kilala bilang National ID ng ilang mga Pangasinense kung saan maaari na itong gamitin sa ilang mga pribadong transaksyon na nangangailangan ng pagkakakilanlan.
Ang PSA ay pumapayag ngayon para sa mga walk in registration nang sa gayon ay madali na ang pag-access ng publiko at ayon sa mga pumipila sa mga Registration Centers ay mas mabilis umano ngayon pagpaparehistro ng naturang ID at maging proseso sa pagkuha nito ngunit kailangan pa ring hintayin ang mga naturang ID na dumating sa mga address na kanilang inilagay sa registration form.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority, nasa higit walumpong milyon na mga Pilipino na ang matagumpay na nakapag-parehistro sa PhilSys at malaking bahagi ito ng buong populasyon ng bansa.
Naging posible umano ang pagpaparehistro ng Philsys ID kung hindi dahil sa mga katulong na mga kasosyong ahensya, at suporta ng publiko para sa proyekto.
Samantala, para mas madaling pagpaparehistro sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang, nagsasagawa rin ng mga aktibidad sa pagpaparehistro sa paaralan ang mga field office ng PSA at tuloy pa rin ang pagpaparehistro gamit ang mobile sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) nang sa gayon ay masiguro na makapag rehistro ang mga nasa malalayong lugar. |ifmnews
Facebook Comments