Mga physical distancing markers, inilagay sa loob ng mga bagon ng tren ng MRT-3

Naglagay ng physical distancing markers sa loob ng mga bagon ng tren na nagsisilbing gabay upang maayos na maipatupad ang 0.75 meters na distansya sa pagitan ng mga pasahero.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, dahil dito, nasa 204 na pasahero (17% maximum passenger capacity) ang maaaring sumakay sa isang train set, o 68 na pasahero kada bagon.

Ito ay mas mataas mula sa dating 153 (13% maximum passenger capacity) na pasahero sa isang train set, o 51 kada bagon.


Matapos ang dalawang linggo, ibababa pa ang distansya ng mga physical distancing markers hanggang 0.5 meters, at 0.3 meters sa karagdagang dalawang linggo.

Ang inaasahang pagtaaas ng bilang ng passenger capacity ng mga tren ay suportado ng datos mula sa isinagawang physical simulation.

Kasabay nito, patuloy ang mas pinaigting na pagpapatupad ng mga health and safety protocols sa loob ng mga istasyon at tren, tulad ng pagsusuot ng face shield at face mask, pagbabawal sa pagsasalita at pagsagot ng tawag sa anumang digital device.

Facebook Comments