Mga Pilipino, dapat matutong mamuhay kasama ang COVID-19 – Galvez

Importanteng matuto ang mga Pilipino na mamuhay kasama ng COVID-19 kaysa sa nakakulong sa panibagong lockdown.

Ito ang sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. sa harap ng panawagan sa publiko na sundin pa rin ang minimum health safety standards at magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Galvez, mahalagang maibalik ang consumer at investment confidence para makabalik sa dating sigla ang ekonomiya habang binibigyan ang publiko ng karagdagang proteksyon mula sa virus.


Binigyang diin ni Galvez na hindi agad matatapos ang health crisis sa immunization program lamang.

Kaya mahalagang mamuhay ang mga tao kasama ang virus hanggang sa tuluyan itong mawala.

Inaasahan na rin ng pamahalaan ang pagsipa ng kaso bunga ng pinahusay na istratehiya sa pagtugon sa pandemya.

Facebook Comments