Mga Pilipino, dapat matutong mamuhay kasama ang COVID-19 habang wala pang bakuna ayon sa DOH

Iginiit ng Department of Health (DOH) na kailangang matuto ang mga Pilipinong mamuhay kasama ang COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa tiyak kung kailan magtatagal ang pandemya kaya kailangang matuto ang mga tao na ugaliing sundin ang minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face mask at face shields, physical distancing at proper hygiene, at pananatili sa bahay kapag walang importanteng lakad.

Aniya, ang mga eksperto na ang nagsasabi na ang virus ay mananatili.


Dagdag pa ni Vergeire, dapat baguhin ng mga tao ang kanilang nakagawian at sundin ang ‘new normal’ na pamumuhay.

Hindi rin dapat ikatakot ng publiko kung magtatagal ang virus basta hindi nasasagad ang healthcare system ng bansa at nasa mababang lebel lamang ang case fatality rate.

Facebook Comments