Walang lockdown o police power na makakapigil sa sinumang Pilipino na gustong makauwi.
Ito ang iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng pagpapatupad ng mahigpit na quarantine measures para mapigilan ang mabilis na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.
Sa kanyang Talk to the People Address, dapat hayaan ang mga tao na makauwi lalo na sa kanilang mga probinsya.
Tanong ng Pangulo kung saan patitirahin ang mga tao kung pinagbawalan o harangin sila sa kanilang pag-uwi.
Ang Inter-Agency Task Force (IATF) ay naglabas ng bagong resolution na ang lahat ng Pilipino, maging ang mga overseas Filipino workers ay dapat payagang makauwi sa Pilipinas.
Facebook Comments