Mga Pilipino, hinamong magpakabayani at labanan ang extra judicial killings at human rights violation sa bansa

Manila, Philippines – Hinamon ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang mga Pilipino na isabuhay ang pakikipaglaban ng mga bayani ng bansa.

Giit ni Zarate, hindi sapat na inaalala lamang ng mga Pilipino ang National Heroes’ Day kundi dapat ay nakikita ito sa araw-araw na buhay.

Hinikayat ni Zarate ang publiko na maipapakita ang pagiging bayani sa pakikipaglaban sa hindi pantay na pagtrato sa lipunan, pagtutol sa extra-judicial killings at human rights violations partikular sa giyera sa Mindanao.


Sinabi pa ni Zarate na napakarami nang napapatay at karapatang pantaong nalalabag lalo na sa hanay ng mga mahihirap, magsasaka at mga katutubo.

Panahon na aniya para tumindig, tutulan, at labanan ang mga ganitong lumalalang problema sa bansa.

Umaasa naman si Zarate na makikita ng Pangulong Duterte ang lumalabas na problema partikular sa kanyang war on drugs at darating ang panahon na babaguhin ng Pangulo ang kanyang pamamaraan sa paglaban sa iligal na droga.

Facebook Comments