Mga Pilipino, hindi dapat tigilan ang pangangalampag sa accountability ng mga sangkot sa flood control projects

Hinihikayat ni Senator Kiko Pangilinan ang taumbayan na patuloy na kumilos at mangalampag laban sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Hiniling ng senador na huwag tumigil ang publiko hanggang sa mapanagot ang mga public officials lalo’t marami sa mga sangkot sa kontrobersyal na flood control ay sasalang sa re-election sa 2028.

Ayon kay Pangilinan, dahil sa tindi ng isyu sa mga ghost projects, nauunawaan niya kung magsasagawa ng serye ng mga protesta ang mga tao at hindi ito pinipigilan sa ilalim ng Konstitusyon.

Iginiit ng senador na ito pa nga ang pinakaepektibo na paraan upang mapangalagaan mula sa pangaabuso ang pera ng taumabayan at mag-demand ng accountability mula sa mga opisyal ng gobyerno.

Binigyang-diin pa ni Pangilinan na ang kanyang suhestyon na patuloy na pagkilos ng taumbayan ay hindi pumipigil sa Senado at Kamara na magimbestiga at welcome rin para sa kanya ang paglikha ng Pangulo ng isang independent investigative body na sisilip sa mga ghost projects.

Facebook Comments