Mga Pilipino, hinihikayat na mamuhunan sa capital market ng bansa

Isinusulong ni Senator Sherwin Gatchalian ang isang panukalang batas na hihimok sa mas maraming Pilipino na mamuhunan sa capital market.

Kaugnay dito ay inihain ni Gatchalian ang Senate Bill 2865 o ang Capital Markets Efficiency Promotion Act na oras na maging ganap na batas ay maglalagay sa tax rates ng bansa sa kita mula sa capital investments na mas malapit sa ibang mga bansa sa ASEAN.

Nais din ng senador na maihanay ang capital markets ng Pilipinas sa mga kalapit na bansa sa ASEAN sa pamamagitan ng panghihikayat ng mga mamumuhunan, pagpapaunlad ng merkado at ekonomiya.


Tinukoy ng mambabatas na napakamahal na mamuhunan sa bansa kumpara sa ibang mga bansa sa Timog-Silangang Asya kaya inaasahan niyang magiging tulay ang panukalang ito para makahabol ang Pilipinas at maengganyo ang mga Pilipino na mamuhunan sa ating capital markets.

Batay aniya sa Key Indicator Database ng Asian Development Bank noong 2023, ipinakita na ang stock market ng bansa kung ikukumpara sa laki ng ekonomiya ay nasa 54.1% lamang hindi hamak na mas mababa kumpara sa average na 78.3% na stock market sa ibang ekonomiya ng SEA.

Facebook Comments